BUILDING BLUEPRINT

Next level lyrical insight is a moment away.

Lyrical Analysis of...

nakaka-bobo by:khulitz

  1. Ang pinilakang tabing na sariling atin
  2. Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
  3. Walang palabas at mas madalas mag patalastas
  4. Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking
  5. Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
  6. Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin
  7. Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
  8. Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
  9. At kuya at si ate at katulong na parating natutulog
  10. Pag malapit na maluto ang sinaing
  11. Huminahon ka itay baka ka mabulunan
  12. Sa laki ng binayad ko wala kong natutunan
  13. Ni kapiranggot mula nung unang baitang
  14. Pumapasok lang ako para mangutang kay maam
  15. Ng pambili ng kanin, chicken adobo
  16. Araw araw ganito nakaka bobo
  17.  
  18. [Chorus:]
  19. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  20. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  21. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  22. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  23. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  24. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  25. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  26. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  27.  
  28. [Verse 2:]
  29. Pulitiko na sa showbiz posible na pala
  30. Ang dami nang artista sa pulitika pa nga
  31. Bobo, inutil, walang pinag aralan
  32. Hangal, hung hang sino bang pinagmanahan
  33. Uto uto, sunod sunuran sa kung anong makita ng mata
  34. Upang mapansin ka ng madla
  35. Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
  36. In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
  37. Mga chismis na nahuli na nang isang dekada
  38. "richard gomez at lucy torres sila na nga ba?"
  39. Naku itong starlet na ang suso lumabas
  40. Wag na wag mong ililipat susunod na sa the buzz
  41. Wo wo wee sinong di mawiwili
  42. Makakakita ka nang mga natapakan sa tv
  43. Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo
  44. Ayoko ng ganito nakaka bobo
  45.  
  46. [Chorus:]
  47. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  48. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  49. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  50. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  51. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  52. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  53. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  54. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  55.  
  56. Takot kang magtanong takot kang magpaulit
  57. Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
  58. Takot kang magtanong takot kang magpaulit
  59. Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
  60. Kala mo alam mo to kala alam mo yan
  61. Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
  62. Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
  63. Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
  64.  
  65. [Verse 3:]
  66. Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama
  67. Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga
  68. Nakapangalumbaba simula pa nung bata
  69. Di naman importanteng magpakadalubhasa
  70. Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan
  71. Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan
  72. Maniwala, pero wag umasa sa himala
  73. Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya
  74. Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
  75. Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong
  76. Kung ang pag iisip para sayoy nakakangawit
  77. Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit
  78. Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
  79. Pilipino lang ako pag nananalo si pacquiao
  80. Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo
  81. Nakaka indak kahit nakaka bobo
  82.  
  83. [Chorus:]
  84. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  85. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  86. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  87. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  88. Lahat nang nakikita ko nakaka bobo
  89. Kahit nakapikit ako nakaka bobo
  90. Lahat nang nakikita ko kahit nakapikit ako
  91. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  92.  
  93. Takot kang magtanong takot kang magpaulit
  94. Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
  95. Takot kang magtanong takot kang magpaulit
  96. Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
  97. Kala mo alam mo to kala alam mo yan
  98. Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan
  99. Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang
  100. Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam
  101.  
  102. Nakaka bobo (2x)
  103. Nakaka, nakaka, nakaka bobo
  104. Nakaka bobo (2x)
  105. Nakaka, nakaka, nakaka bobo

By Anonymous

LYRICAL GRADE

RHYME DENSITY

0

RHYME LENGTH

1 syllable
2 syllables
3 syllables
4 syllables
5+ syllables
Word Cloud

What is a Blueprint?

A blueprint is like a report card for your lyrics. It contains a lyrical breakdown and analysis of all the words, syllables, and rhymes in your song.

Learn More >

Cookin' something up, just wait a sec...