Dear Inay

• Written by Anonymous

Dear Inay,
 
Di ko alam kung paano ko sisimulan,
pano nga ba magpapasalamat
sa pagmamahal mong walang hanggan
daang daang paghihirap ang iyong dinadaan
para samin aakyatin mo, kahit anong bundok pa yan
walang katapat ang iyong pagmamahal, at sakripisyo
sa pagtimpla ng gatas, pagpapatulog, hanggang pagpapasipilyo,
sa mga gabing ako'y wala, at di ka maka--tulog
pag ako'y natatakot, ikaw ang nagpapalakas ng aking loob
Mga pag hawak mo at yakap mo ang solusyon saking problema
ang tagapagtanggol pag may nangaaway sakin sa skwela
minsan sa galit ko sa gamit kong mga nawawala
pag ikaw ang naghanap lumalabas nalang bigla
ikay mabilis, walang mintis, pano mo ba ko natitis
binabatak mo ko pataas pag ang lakad koy lumilihis
pano nga ba magpapasalamat
sa pagmamahal mong walang hanggan
walang paraang malampasan hindi kayang matumbasan
 
Chorus:
 
Pag kelangan ko ng tulong, andyan ka lang malapit
siguro nga totoo ang sabi nila na
ikay ay hulog ng langit
 
may kapangyarihan kang dala, parang pakpak ang mga yakap
regalo ka nag Diyos, anghel galing sa alapaap
ikaw ang ilaw sa dilim, lumiliwanag ang tahanan
salamat sa lahat inay, mahal kita walang hangganan

Feedback & Comments

Attached media not accessible.

The owner took it down or changed the settings to private.

--:--

About the Artist

View the Blueprint (B-)


Cookin' something up, just wait a sec...