Kaibigan lang

• Written by 

(First verse)
 
Bakit ba, Kapag kasama kita parang sasabog ang puso ko.
Sa tuwing tumitingin ka parang tinutunaw ako.
At kapag kausap kita parang nasa langit ako, parang tinamaan na yatatalaga ako sayo, kaibigan kita at hindi pwede ito
 
(Second Verse)
 
Bakit ba, Kapag may kasama kang iba nag-seselos ako.
Kapag hindi kita nakikita nag-aalala ako.
at kapag may problema ka tutulungan kita, hanga't kaya ko.
iba na yata ito, parang mali ito, kaibigan ko mahal na yata kita.
 
(Chorus)
 
Kaibigan lang ako, handang makinig sayo.
Binago mo at muling binigyan ng kulay ang dating madilim
ko na mundo.
Dahil sayo muling sumigla ang buhay ko.
walang humpay na ligaya ang nararamdaman ko.
Ano ang susundin, puso na nag-mamahal.
o ang isip na nag sasabi na huwag siya , hangang kaibigan ka lang.
 
(Third verse)
 
Bakit kaya, kapag kasama kita napapawi ang lungkot sa mukha ko.
Mahal na nga kita, sana mapansin mo.
Masaya ako sayo, yun ang totoo, Ito ang lihim na itinago at pagtingin
sayo'y ikinubli pagka't tangap ko hangang kaibigan lang ako.
 
(Fourth Verse)
 
Aaminin ko. Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba.
Nagseselos ako, ano bang karapatan ko, kaibigan lang ako
Minahal kita ng lubusan, masakit man sa aking kalooban
Kailangan ko ng tuldukan, tangap ko na hangang kaibigan lang ako.
 
(Chorus)
 
Kaibigan lang ako, handang makinig sayo.
Binago mo at muling binigyan ng kulay ang dating madilim
ko na mundo.
Dahil sayo muling sumigla ang buhay ko.
walang humpay na ligaya ang nararamdaman ko.
Ano ang susundin, puso na nag-mamahal.
o ang isip na nag sasabi na huwag siya , hangang kaibigan ka lang.
 
(Finale)
 
Masakit man para sakin ito ay tatangapin ko.
Pintig ng puso ko'y pipgilan ko, pipilitin ko limutin lahat
Ang aking hiling ay makasama ka magpakailanman
at mahalin mo ako kahit kaibigan lang. kahit kaibigan lang.
 
(Chorus)
 
Kaibigan lang ako, handang makinig sayo.
Binago mo at muling binigyan ng kulay ang dating madilim
ko na mundo.
Dahil sayo muling sumigla ang buhay ko.
walang humpay na ligaya ang nararamdaman ko.
Ano ang susundin, puso na nag-mamahal.
o ang isip na nag sasabi na huwag siya , hangang kaibigan ka lang.

Feedback & Comments

Attached media not accessible.

The owner took it down or changed the settings to private.

--:--

About the Artist

AxelCruzOfficial
Member since June 11 2015

View the Blueprint (B-)


Cookin' something up, just wait a sec...